Monday, November 23, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Mga snatcher umatake sa Greenfield, Mandaluyong; 1 arestado

MANILA — Arestado ang isang lalaki sa tangkang panghahablot ng cellphone sa Mandaluyong City nitong Linggo ng hapon. 

Ayon kay Police Colonel Rey Ochavo, hepe ng Mandaluyong City Police Station, magkaangkas sa motor ang dalawang supect nang susbukan nilang hablutin ang cellphone ng isang lalaking naglalakad sa Greenfield District. 

Pero nanlaban umano ang biktima at mabilis na nakuha ang atensyon ng mga pulis.

Hindi agad naka-angkas sa motorsiklo ang isa sa mga suspect at mabilis na tumakbo sa hindi tukoy na direksyon.

“Nagkataon namang pulis po tayo diyan at very active din po diyan ang mga security sa Greenfield. So, medyo na-rattle ang mga suspek kaya ‘yong isa, tumakbo, iniwan niya ang kanyang kasamahan,” saad ni Ochavo. 

Agad na tumakas ang naiwang suspect sa motor pero nahabol ito ng mga pulis sa bahagi ng Shaw Boulevard. 

Nakasuot ng uniporme at helmet ng isang motor taxi services ang nahuling salarin. 

Nakitaan din siya ng baril, pakete ng hinihinalang shabu, at mga plaka.

Ayon kay Ochavo, bahagi ng grupo ng mga notoryus na magnanakaw ang nahuling suspek na nago-operate sa Metro Manila. 

Nakakulong na ang suspek sa custodial facility ng Mandaluyong City Police at inihahanda na ang reklamong pagnanakaw. 

“Sa cellphone na na-recover po ng ating kapulisan, meron silang chat group. Doon sila nag-uusap ng kanilang mga plano,” ani Ochavo. 

Itinanggi naman ng suspek ang pagkakasangkot sa pagnanakaw.

IBA PANG ULAT

Leave a Reply