Monday, November 23, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Lacson pinuna ang panukalang pagpapagawa pa ng multi-purpose buildings sa Budget

Wala munang impeachment trial ngayong linggo, para bigyang daan ang pagtalakay ng plenaryo ng senado sa panukalang 2027 National Budget. 

Pero nagsisimula pa lang, marami nang gustong tagpasin ang mga senador sa ipinasang bersyon ng kamara. 

Sa pag-uumpisa ng talakayan sa plenaryo ipinarating ni Senador Panfilo Lacson kay Senate Finance Committee Chair JV Ejercito na tila hindi na tugma sa realidad ang panukalang  budget. 

Ang hina na nga aniya ng ekonomiya sa loob at labas ng bansa, mahina pa ang piso kontra dolyar. 

Pero magpapagawa pa ng sangkatutak na multi purpose buildings at mamimigay lang ng ayuda. 

Nagpapatrol, RG Cruz. TV Patrol, Lunes, 23 November 2026.

Leave a Reply