Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Lolo’t lola sinorpresa ng nagbabalikbayang apo matapos ang 7 taon

May maagang Christmas blessing para sa mag-asawang senior citizen sa Rosario, Batangas.

Napahagulgol ang 75 taong gulang na si Divina Gutierrez nang umuwi ngayong kapaskuhan ang kanyang apo, na si Bayan Patroller Pamela Amistad mula sa Canada.

Kuwento naman ni Bayan Patroller Pamela, sadyang hindi niya pinaalam sa kaniyang lolo at lola ang pag-uwi para sopresahin sila.

Pitong taon din siyang namalagi sa Canada nang maaprubahan ang petisyon ng kanyang ina.

Excited naman si Lola Divina na ibigay ang tanging request ng apo: ang ipagluto siya ng ginataang kalabasa.

TV Patrol, Lunes, 23 Nobyembre 2026.

Leave a Reply