TV PATROL: Mga lugar sa silangang bahagi ng bansa makararanas ng pag-ulan
Patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ang mga lugar sa silangang bahagi ng bansa ngayong linggo.
May panibagong bugso ng Amihan mula sa mainland China na mabilis na bababa sa northern Luzon.
Kasabay nito ang muling pagbuo ng shear line dahil sa pagbanggan ng Amihan sa Easterlies.
Patuloy ding makaaapekto ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ sa Mindanao habang iiral naman ang easterlies sa gitnang bahagi ng bansa.
Walang inaasahang bagyo sa Philippine Area of Responsibility hanggang sa katapusan na ng Nobyembre.
TV Patrol, Lunes, 23 Nobyembre 2026