TV PATROL: Pang. Marcos, Unang Ginang nagpahinga ng 2 araw matapos ang ASEAN Summit at APEC
Inihayag ni First Lady Liza Araneta-Marcos na nagpasiya sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magpahinga ng dalawang araw matapos maging abala sa mga aktibidad nitong nakalipas na ilang linggo.
Sa kanyang social media post sinabi ng Unang Ginang na nag-dayoff sila ng presidente nitong Linggo at ngayong Lunes para maghinay-hinay, mag-recharge at tahimik na magpalipas ng oras sa piling ng isa’t isa.
Nag-host ang Pilipinas sa 49th ASEAN Summit noong November 15 hanggang 17.
Nagsilbing punong abala si Ginang Marcos sa ASEAN Spousal Program para sa mga asawa ng mga bumisitang lider.
Nag-host din ang mag-asawang Marcos sa gala dinner para sa mga delegado ng ASEAN Summit.
TV Patrol, Lunes, 23 November 2026.