TV PATROL: Rider ginulpi ng kapwa rider matapos magkagitgitan
Nauwi sa pananapak ang gitgitan ng dalawang rider sa Numancia, Aklan.
Sa kuha ng CCTV, huminto ang dalawang motorsiklo sa kalsada sa Barangay Laguinbanwa West.
Bumaba sa motor ang rider na nakakapote at pinagsusuntok ang kapwa rider.
Natumba ang biktima at sinubukang tumayo, pero muli siyang sinapak hanggang sa bumagsak na sa bangketa.
Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo.
Patuloy ang imbestigasyon ng numancia pnp hinggil sa pinag-ugatan ng away-kalsada. Pinaghahanap na rin ng mga pulis ang suspek. TV Patrol, Lunes, 23 Nobyembre 2026