TV PATROL: Sapul sa CCTV: Pagnanakaw sa grocery store sa Guiguinto, Bulacan
Pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga lalaking nanloob sa grocery store sa Guiguinto, Bulacan nitong Miyerkules ng madaling araw.
Sapul sa CCTV ang pagsira ng mga kawatan sa kandado ng tindahan, para mabuksan ang roll-up door nito.
Sa isa pang kuha ng CCTV, nasa loob na ang isang suspek na may hawak na flashlight at baril.
Maya-maya, ipinagsisilid na niya ang mga nakulimbat na paninda sa isang sako.
TV Patrol, Lunes, 23 Nobyembre 2026.