Monday, November 23, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Truth Commission nakapagtala ng 8,320 biktima sa Duterte drug war

Mahigit 8,000 biktima ng extrajudicial killings sa pagitan ng 2016 hanggang 2022 ang naitala ng Truth Commission na binuo para idokumento ang mga pagpatay noong Duterte drug war.

Malayo ito sa opisyal na bilang mula sa Philippine National Police na 6,252.

Plano naman ng Department of Justice na bumuo ng review panel na susuri sa nasabing findings oras na ibigay ito sa kagawaran.

Inilabas ng Truth Commission ang report nito isang linggo bago ang pagsisimula ng paglilitis kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court sa The Hague.

Matatandaang bumuo rin ng review panel ang DOJ sa ilalim ni dating justice secretary Menardo Guevarra pero 52 lang ang kasong umabot sa korte habang siyam ang na-convict sa kaso ng limang biktima.

Layon ng ICC na tukuyin ang individual criminal responsbility ng dating pangulo habang target ng Truth Commission na ilabas ang kwento ng lahat ng mga biktima at mabigyang linaw ang mga krimeng nangyari sa ilalim ng Duterte drug war.

Nagpapatrol, Zen Hernandez. TV Patrol, Lunes, 23 Nobyembre 2026.

Leave a Reply