Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 100 testigo balak isalang ng prosekusyon sa paglilitis ni Duterte sa ICC

100 testigo ang inaasahang ipepresenta ng mga taga-usig sa International Criminal Court Trial Chamber III sa paglilitis ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity.

Ayon sa tagapagsalita ng ICC na si Orianne Maillet, sa dami ng mga testigong balak isalang ng prosekusyon, inaasahang magtatagal ang paglilitis kay Duterte dahil bukod pa ito sa dami ng ebidensyang ilalatag at iba pang isyung tatalakayin ng korte.

Sa ilalim ng mga patakaran ng ICC, inaasahang mauuna ang prosekusyon sa presentasyon ng ebidensya at testigo bago ang kampo ng mga biktima o common legal representatives for victims at saka naman sasalang ang mga abogado ni Duterte para sa kanyang depensa.

Dagdag ni Maillet, bagamat mapapanood ang paglilitis sa pamamagitan ng livestream at personal na pagpunta sa korte, may mga pagkakataong hindi isasapubliko ang pagkakakilanlan ng mga testigo o kaya naman ay isasara sa publiko ang ilang bahagi ng trial para tiyakin ang kaligtasan ng mga testigo.

TV Patrol, Martes, 24 Nobyembre 2026.

Leave a Reply