Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 3 Vietnamese huli sa ilegal na lipo; 139 Indonesians sa parcel scam hub pina-deport

Arestado ang tatlong Vietnamese na nagpakilalang mga doktor, at ilegal na nagsasagawa ng liposuction, sa isang bahay sa Parañaque City. 

Walang naipakitang lisensya ang mga suspek para magsagawa ng medical procedure. 

Wala ring special temporary permit mula sa Professional Regulation Commission. 

Nahaharap sila sa mga reklamong paglabag sa ‘The Medical Act of 1959 in relation to Cybercrime Prevention Act of 2012.’ 

Samantala, ipina-deport na ng Bureau of Immigration ang isandaan at tatlumpu’t siyam na Indonesians na unang nasagip ng CIDG mula sa raid sa parcel scam hub sa Pasay City noong November 3. 

Ayon kay CIDG Director Police Major General Robert Morico II, itinuturing man silang mga biktima sa Pilipinas noong una, posible naman silang maharap sa kasong kriminal sa kanilang bansa. 

Nagpapatrol, Karen de Guzman. TV Patrol, Martes,  24 Nobyembre 2026

Leave a Reply