Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 4 na suspek sa human trafficking sa Navotas at Caloocan arestado

Apat na suspek na sangkot umano sa human trafficking ang inaresto ng National Bureau of Investigation sa magkahiwalay na operasyon sa Navotas City at Caloocan City. 

Ang modus ng mga suspek, ibugaw umano ang mga biktima online sa mga dayuhang customer. 

Ala-una ng madaling araw nang salakayin ng mga operatiba ng NBI Human Trafficking Division ang isang resort sa Navotas. 

Nagsimula ang imbestigasyon matapos isumbong ng isang Non-Government Organization na may mga menor de edad na umano’y ibinubugaw online. 

Mas malaki umano ang bayad kapag personal nang isinasagawa ang pang-aabuso sa mga biktima. 

Nagpapatrol, Zyann Ambrosio. TV Patrol, Martes, 24 November 2026.

Leave a Reply