TV PATROL: 9 timbog sa drug buy-bust; sangkot din umano sa pandurukot sa NCR at Cavite
Arestado ang siyam na indibidwal matapos salakayin ng mga pulis ang isang bahay sa Bacoor City na tinutuluyan umano ng grupo.
Bukod sa mahigit dalawandaang libong halaga ng droga, nakumpiska rin sa siyam na suspek ang ilang sumpak, bala, at gamit sa ilegal na aktibidad.
Ayon sa hepe ng Bacoor Police, sangkot ang grupo sa iba’t ibang modus ng pandurukot sa Metro Manila hanggang Cavite.
Napag-alaman pang dati may mga criminal record ang ilan sa mga naarestong suspek.
Nakakulong na sila ngayon at nahaharap na sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at pagdadala ng ilegal na armas. Nagpapatrol, Bea Cuadra. TV Patrol, Martes, 24 Nobyembre 2026