Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Atong Ang ipinaaaresto ng Manila RTC sa kaso ng mga nawawalang sabungero

Kinumpirma ng Department of Justice na nag-isyu ng warrant of arrest ang isang korte sa Maynila laban sa negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang at sa dating pulis na si Ryan Jay Orapa. 

Ito’y para sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay ng mga nawawalang sabungero sa isang sabungan sa Maynila. 

Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ng DOJ na si Atty. Polo Martinez na inilabas ng Manila RTC Branch 175 ang warrant noong October 30. 

Aniya, ito’y matapos na may makitang sapat na ebidensya para litisin ang dalawa. 

Samantala, ibinasura ng DOJ ang mga reklamong obstruction of justice na isinampa ng ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero laban sa abogado ni Ang na si Attorney Caroline Cruz. 

Ayon kay Martinez, walang nakitang sapat na ebidensya laban kay Cruz at sa iba pang respondent. Nag-ugat ang reklamo sa umano’y perang ibinayad ng kampo ni Ang sa ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero. TV Patrol, Martes,  24 Nobyembre 2026

Leave a Reply