TV PATROL: Daga sa coffee shop nag-viral; kapihan pansamantalang nagsara bilang aksyon
Nagpaalala ang Department of Health sa food business operators sa kahalagahan ng malinis at ligtas ng pagkaing ibinebenta sa mga customer.
Ito’y matapos mag-viral sa social media ang video ng daga sa loob ng isang coffee shop.
Tumugon naman ang kapihan sa comment section ng uploader at sinabing pansamantalang isinara ang naturang branch at nagsagawa ng paglilinis, inspeksyon, at iba pang hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga customer at empleyado.
Payo ng DOH sa mga consumer na makakakita ng daga sa establisimiyento, agad itong ipaalam sa city o municipal health office o sa lokal na pamahalaan para sa kaukulang inspeksyon at imbestigasyon.
Dagdag ng DOH, dapat may tinatawag na ‘vector’ o pest control program ang mga food establishment para tiyaking walang daga o iba pang peste sa kanilang lugar.
Nagpapatrol, Jessie Cruzat. TV Patrol, Martes, 24 Nobyembre 2026.