TV PATROL: Lalaki patay matapos mabaril dahil sa away sa aso sa Maynila
Patay ang isang lalaki matapos mabaril ng nakaalitang lalaki sa Paco, Maynila nitong Martes ng madaling araw.
Nag-ugat ang insidente sa pangangagat sa bata ng alagang aso ng biktima.
Ayon sa mga taga barangay, nagmalasakit lang ang suspek na tulungan ang batang nakagat ng aso.
Kaya niya pinuntahan ang biktima para kausapin ito na sagutin sana ang pagpapagamot ng nakagat na bata.
Dinala pa umano sa ospital ang biktima pero dineklara nang patay dahil sa tama sa kaliwang tyan at kaliwang braso.
Ayon pa sa barangay, hindi nila residente ang dalawang bata at ang suspek.
Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang nakatakas na suspek.
‘Yan ang CCTV Patrol ni Bea Cuadra. TV Patrol, Martes, 24 Nobyembre 2026