TV PATROL: Lalaki patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Pagsanjan, Laguna
Patay sa pamamaril ang isang lalaki sa Barangay Biñan, Pagsanjan, Laguna pasado alas-singko Linggo ng hapon.
Sa kuha ng CCTV, tumatawid sa kalsada ang biktimang kinilala sa alyas na ‘Ben Tambling.’
Maya-maya, sinundan siya ng riding-in-tandem, pinagbabaril siya sa likod atsaka mabilis na tumakas.
Sa imbestigasyon ng pulisya, isa umanong vendor ang biktima at kagagaling lang mamili sa palengke.
Tingin ng mga pulis, planado ang pamamaril dahil ilang oras din umanong minanmanan ng mga suspek ang kanilang target.
May dalawang persons of interest na ang PNP, pero tumanggi muna silang magbigay ng detalye tungkol sa mga ito, at sa posibleng motibo sa pamamaslang.
TV Patrol, Martes, 24 Nobyembre 2026