Tuesday, November 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: ‘PhilHealth Tapat’ may dagdag insentibo para sa paying members

May dagdag insentibo sa benepisyo ang direct o paying members ng PhilHealth sa ilalim ng ‘PhilHealth Tapat’ na aarangkada sa Enero 2027. 

Dalawampung porsyentong dagdag sa unang case rate kada admission sa ospital ang inanunsiyo ng PhilHealth para sa mga direct contributors at kanilang kwalipikadong dependents. 

Ang ibig sabihin nito, tataas ang case rate na sasagutin ng ahensya sa ilalim ng programang PhilHealth Tapat. 

Halimbawa ang moderate pneumonia ay may case rate na P29,250. 

Kung macoconfine ang isang direct contributor para sa naturang sakit madaragdagan ito ng P5,850 at magiging P35,100 na dahil sa PhilHealth Tapat. 

Nagpapatrol, Raphael Bosano. TV Patrol, Martes, 24 November 2026.

Leave a Reply