TV PATROL: Amihan hihina; Easterlies makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa
Sa ating ulat panahon bukas, araw ng Huwebes, hihina ang Amihan at iiral ang Easterlies sa malaking bahagi ng bansa, na inaasahang magdadala ng mga pag-ulan.
Posible ang maulap na kalangitan sa Eastern Luzon mula Cagayan Valley hanggang Bicol Region, maaliwalas naman ang panahon sa kabilang bahagi ng Luzon.
Sa Metro Manila, mainit sa tanghali pero may tsansa pa ring makaranas ng isolated thunderstorms.
Wala naman nang epekto ang amihan sa Ilocos Norte, pero posible pa rin itong magdala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
TV Patrol, Miyerkules, 25 Nobyembre 2026