TV PATROL: Rep. Romualdez naghain ng motion for reconsideration vs 90-day suspension order
Hiniling ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan 3rd Division na irekonsidera o baligtarin ang ipinataw na 90-day preventive suspension sa kanya bilang Congressman.
Ito’y kaugnay ng kinakaharap niyang plunder case, sa umano’y P7.4B na flood control kickback scheme.
Sa inihaing motion for reconsideration ni Romualdez, kinuwestiyon niya ang sapat na batayan sa mga alegasyon ng prosekusyon laban sa kanya na nilalaman ng criminal information sheet.
Aniya, hindi nakasaad sa sakdal kung sino sa kanila ni dating Congressman Zaldy Co ang main plunderer, at kung paano nila nakuha ang kickback.
Iginiit din nila na ang kanyang pagkakakulong sa New Quezon City Jail ay paraan na aniya para hindi maimpluwensyahan ang sinumang testigo o makialam sa ebidensya, na siyang pakay ng preventive suspension.