TV PATROL: Sayawan sa Libacao, Aklan nauwi sa rambulan ng ilang kabataan
Nauwi sa rambulan ng mga kabataan ang dapat sana’y masayang sayawan habang ipinagdiriwang ang kapistahan sa Libacao, Aklan ngayong Miyerkules ng madaling araw.
Sa video, kita ang umaatikabong sapakan ng mga binatilyo.
Ang isa, bagsak matapos tamaan ng suntok.
Agad namang natigil ang gulo na inawat ng mga pulis sa lugar.
Dinampot ang limang binatilyong sangkot sa rambol, at dinala sa Libacao municipal police station.
Posible silang maharap sa reklamong alarm and scandal.
TV Patrol, Miyerkules, 25 Nobyembre 2026