TV PATROL: Mga nangyari na humantong sa pag-aresto kay Duterte binalikan
Ilang araw bago magsimula ang makasaysayang paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court balikan natin kung paano humantong sa pagkakaaresto, at pagsasakdal ng ICC ang ika-labing anim na lider ng bansa.
Masigla at nakikipagbiruan pa sa kanyang mga tagasuporta sa Hong Kong si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong March 2025 sa isang pagtitipon sa Wan Chai kasama ang ilang kandidato sa pagkasenador para sa 2025 midterm elections.
Pero makalipas ang dalawang araw, nang bumalik si Duterte sa Pilipinas, inaresto siya sa bisa ng isang warrant of arrest mula sa International Criminal Court.
Ayon sa ICC, taong 2021 binuksan ang imbestigasyon sa mga umano’y malawakang pagpatay at paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.
Mula ito November 1, 2011 hanggang March 16, 2019 kaugnay ng kampanya kontra droga ni Duterte na nagsimula sa Davao City sa kamay umano ng Davao Death Squad at ipinatupad sa buong bansa matapos mailuklok bilang pangulo.
Nagpapatrol, Katrina Domingo. TV Patrol, Huwebes, 26 November 2026.