Sunday, November 29, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Bus, nang-araro ng 4 na sasakyan sa Davao de Oro; 6 sugatan

Anim ang sugatan sa karambola ng limang sasakyan sa Maco, Davao de Oro nitong Miyerkules ng hapon.

Sa dashcam video, sinalpok at inararo ng isang pampasaherong bus ang apat na sasakyan sa bahagi ng national highway sa Barangay Anislagan.

Unang natumbok ng bus ang minivan na nasa unahan nito, bago nabangga ang isang kotse, pickup, at tricycle.

Isinugod sa ospital ang limang sakay ng kotse, at isang pasahero ng minivan, na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

-Ulat ni Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Leave a Reply