Wednesday, October 21, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

5 pamilya apektado sa sunog sa Malabon

Mabilis namang nakalabas ang mga residente kaya walang napaulat na nasaktan o nasawi sa insidente. Courtesy: AC AJ via Christopher Sitson, ABS-CBN News

MAYNILA — Apektado ang limang pamilya o may kabuuang 20 indibidwal matapos tupukin ang limang bahay sa residential area sa Pureza Street, Barangay Tugatog, Malabon City noong Martes ng gabi, Oktubre 20.

Inakyat sa unang alarma ng Bureau of Fire Protection (BFP) Malabon ang sunog nang maiulat ito pasado 8:00 ng gabi. 

Naapula ng mga bumbero ang apoy makalipas ang dalawang oras, pasado 10:00 ng gabi, sa tulong ng hindi bababa sa apat na BFP fire trucks at iba pang fire volunteers.

Mabilis namang nakalabas ang mga residente kaya walang napaulat na nasaktan o nasawi sa insidente. 

Mabilis ding nagpaabot ng paunang tulong ang Malabon City LGU sa mga nawalan ng tirahan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP Malabon ang pinagmulan ng apoy at ang kabuuang halaga ng napinsalang ari-arian.

KAUGNAY NA VIDEO

Leave a Reply