Mic check! Miss Q and A candidate, nagpa-presscon sa Wit Lang?! | It’s Showtime
Ang “It’s Showtime,” road to 18 kaya siguradong ang good vibes ay hindi bitin. Basta walang magbabago. Umulan man o umaraw, magkasama tayo.
Walang magbabago sa husay ng mga accla na reyna ng talakan. Sa “Miss Q and A,” tatlong beki ang nagpagalingan para ang inaasam na korona ay makamtan. Meet Paloma Buenoo, Miss A, at Yoniel Torayno Acebuche.
Lumalim ang usapan nang ang topic ay mapunta sa mga pinagdaanang “trauma” ng mga kanDidata. Si candidate number one, Paloma, ibinahagi ang pinagdaanan na masasakit na karanasan sa piling ng ama bago siya maging tanggap ng magulang at pamilya.
Si Miss A naman, nag-open up tungkol sa relasyon sa ina. Wala man siyang lovelife, ibang saya naman ang nararanasan niya sa piling ni nanay.
Pagkatapos ng malalim na kuwentuhan, laro naman ang naging sagutan ng mga kandidata at hosts sa Tumpak Ganern round. Ano ba ang apelyido ni Noah? Sabi ni Darren Espanto, “can get in the way of what I’m feeling,” as in, “Noah Noah Noah can get in the way of what I’m feeling.” May ‘havey’ entry agad si Darren sa Day 1 ng panibagong taon natin!
Samantala, sina Yoniel at Paloma ang nagharap sa Wit Lang. Ay, bongga si girl Yoniel! May instant pa-press con habang tumatalak tungkol sa breakfast. At mukhang masarap ang almusal niya bukas dahil siya ang kinoronahan bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.