Aquamation, pinipiling afterlife care para sa alagang hayop | Ibang Level To
Patok na afterlife care sa mga alagang hayop ang aquamation.
Ang aquamation ay isang eco-friendly na paraan ng cremation gamit ang tubig imbis na apoy. Wala itong usok at nag-iiwan ng puting abo.
Sa isang funeral services sa Quezon City, may aquamation package sila na nagkakahalaga ng 2,000 pesos hanggang 17,500 depende sa mapipiling package at bigat ng alagang hayop.
Samantala, meron na ring pet cemetery sa Barangay Fortune sa Marikina.
Higit 11,000 na ang hayop na nakalibing doon. Dinadasalan din ang mga hayop bago ito ihatid sa huling hantungan.
– Ibang Level To, October 31, 2026
Mapapanood ang Ibang Level ‘To tuwing Sabado at Linggo simula November 7. Panoorin dito ang mga episode ng Ibang Level To.