Magnanakaw sa Japan ibinalik ang P18.4-M tinangay na relo, may kasamang ‘sorry’ note
People visit shops to purchase food and supplies to celebrate the new year in Tokyo’s Ueno shopping district on December 30, 2021. Kazuhiro Nogi, AFP/File Isang Swiss luxury watch na nagkakahalaga ng nasa $290,000 o P18.4 milyon ang ninakaw mula sa isang tindahan sa Tokyo noong nakaraang linggo at ibinalik na may kasamang apology note.
Nagpanggap umanong customer ang magnanakaw, isinukat ang Audemars Piguet na relo, at tumakas mula sa tindahan sa Tokyo habang suot ito noong nakaraang linggo.
Ngunit laking gulat ng may-ari nang makatanggap ang tindahan ng isang package na naglalaman ng ninakaw na relo at isang sulat-kamay na note na humihingi ng tawad, ayon sa ulat ng Asahi Shimbun at iba pang media noong Lunes, base sa mga hindi pinangalanang source sa imbestigasyon.
Ayon sa ulat, nakumpirma sa serial number na ito nga ang ninakaw na relo.
Tumanggi namang magkomento ang nasabing tindahan. — Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse