TV PATROL: Bulkang Mayon muling nagbuga ng abo
Muling nagbuga ng abo ang bulkang Mayon bandang alas otso y medya ng umaga ngayong Martes.
Ayon SA PHIVOLCS, umabot sa higit isa’t kalahating kilometro ang taas ng ibunugang abo ng bulkan.
Nakuhanan ng video ng ilang turista sa Cagsawa Ruins sa Daraga, Albay ang pagbuga ng abo. Namangha ang ilan sa kanila na makita ito nang malapitan.
Patuloy ang pag-aalburoto ng mayon na nagsimula noong Biyernes. Nasa alert level 3 ang bulkan.
TV Patrol, Martes, 3 Nobyembre 2026