TV PATROL: Matinding init dulot ng climate change dapat nang ituring na health emergency – pag-aaral
Dapat na umanong ituring na isang emergency ang matinding init na sanhi ng climate change. Ito ang lumalabas sa pag-aaral ng The Lancet, isang respetadong medical research journal.
Dito sa Pilipinas, dama rin ang maalinsangang panahon sa kabila ng mga pag-ulang nakaapekto sa kalusugan ng mga palaging nakararanas o lantad dito.
Sa pag-aaral nito mula 2016 hanggang 2026, nakita ang pagtaas ng epekto ng climate change sa kalusugan ng tao.
Ayon mismo sa World Health Organization, hindi maikakaila ang mga datos na ang climate change ay isa sa pinakamatinding banta sa kalusugan ng tao.
Sa panahon ngayon, dapat mas maging maingat sa kalusugan ayon sa eksperto. Hindi lang kasi labis na init ang kalaban ng resistensiya kundi pati ang biglaang buhos ng ulan.
Nagpapatrol, Raphael Bosano. TV Patrol, Martes, 3 Nobyembre 2026