TV PATROL: Lalaking sumemplang sa motorsiklo sinagip ng 12 nursing students sa Ilagan City
Hinangaan ang malasakit at kabayanihan ng 12 nursing students na hindi nagdalawang-isip na tumulong para sagipin ang isang lalaking sumemplang sa kanyang motorsiklo sa Ilagan City, Isabela.
Dali-dali nilang inalalayan ang rider lalo’t ayon sa team leader ng mga estudyante hindi sila nag-alinlangang tumulong sa biktima.
Bukod sa mga estudyante, kabilang din sa mga tumulong din sa pagliligtas ang isang nurse at rescuer na napadaan sa lugar.
Proud na proud naman ang mga kaibigan, kaklase at guro ng mga estudyante na itinuturing na kabayanihan ang kanilang ginawa.
Dahil sa ginawa ng nursing students, ligtas na ngayon ang biktima.
Nagpapatrol, Cezar Galasi. TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026.