Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Mga turista nag-enjoy sa snow effect ng Christmas village sa Baguio City

Nag-enjoy ang mga turista sa snow effect ng isang Christmas village sa Baguio City.

Isa ang pamilya ni Bayan Patroller Charrie Isabel Aromin sa mga pumasyal sa grand opening ng holiday attraction noong October 24.

Napahanga sila sa panonood ng street play tungkol sa kapanganakan ni Hesus.

Pinaka na-enjoy ng kaniyang dalawang anak ang snow effect na bumabagsak sa paligid. 

Sa video na ibinahagi ni Charrie, makikitang tuwang-tuwa sila sa tuwing tumatama ang “Snow effect” sa kanilang mga mukha.

Simula 2012, taon-taong namamasyal ang kanilang pamilya sa naturang Christmas village.

Bukas ang pasyalan hanggang January 3, 2027, mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi.

TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026

Leave a Reply