TV PATROL: BJMP itinangging palihim na inilalabas umano sa kulungan si Martin Romualdez
Mariing itinanggi ng Bureau of Jail Management and Penology ang alegasyong palihim na inilalabas umano sa kulungan si dating House speaker Martin Romualdez.
Bilang patunay, inilabas din ng BJMP ang CCTV footage sa loob ng Quezon City Jail Male Dormitory na kuha nitong miyerkules ng umaga, kung saan kita si Romualdez na umaakyat sa hagdanan, kasunod ang isang jail officer.
Giit pa ng BJMP, walang naitalang power interruption o aberya sa operasyon ng mga CCTV sa kulungan mula nang maaresto ang mambabatas noong Setyembre.
Tiniyak naman ng Malacañang na walang special treatment na ibinibigay kay Romualdez na pinsan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nagpapatrol, Karen de Guzman. TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026.