Wednesday, November 4, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Security guard patay nang barilin sa ulo ng holdaper na umatake sa binabantayang convenience store

Patay ang isang security guard matapos malapitang barilin sa ulo ng holdaper na umatake sa binabantayan niyang convenience store sa Morong, Rizal. 

Pasado alas kwatro ng umaga nang lumapit ang isang lalaki sa kahera ng convenience store na may inaasikaso pang customer.

Ilang saglit pa, nagpalinga-linga ito habang papunta sa counter sabay bunot ng baril at nagdeklara ng holdap.

Nilimas niya ang pera sa kaha na aabot sa P10,000.

Nang paalis na, kinumpronta ng suspek ang security guard ng tindahan kaya nagpambuno ang dalawa hanggang sa pinaputukan ng baril sa ulo ang guwardiya.

Dead on the spot ang guwardiya na dalawang buwan pa lang naka-destino sa convenience store.

‘Yan ang CCTV Patrol ni Christopher Sitson. TV Patrol, Miyerkules, 4 Nobyembre 2026

Leave a Reply