Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

22-anyos patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Malabon

Dead on the spot ang isang 22-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Mercurio Street, Barangay Tugatog, Malabon City nitong Miyerkules. 

Nangyari ang insidente pasado alas-7 ng gabi habang nakatambay ang biktima kasama ang ilang kabataan.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad nitong ikinasawi. 

Sugatan naman ang isang 14-anyos na binatilyo matapos madamay sa pamamaril.

Ayon kay Rosemarie Rodriguez na desk officer ng Barangay Tugatog, bago ang pamamaril ay inireklamo ang biktima dahil sa pananakit.

“May nagrereklamo kanina rito na mayroon siyang sinapak. Then narinig na lang po namin na may binaril doon sa area. Noong nagresponde po, siya po yung nakita namin,” ani Rodriguez.

Dagdag ng barangay, kilala ang biktima na laging nasasangkot sa gulo sa lugar.

“Napapaaway [siya], sa riot po, yun po yung mga records niya,” dagdag ni Rodriguez.

Labis ang pagdadalamahati ni Liwayway na lola ng biktima.

Ayon kay Liwayway, siya na ang nagpalaki sa apo dahil nagtatrabaho sa Middle East ang nanay nito bilang domestic helper.

Naulila ng biktima ang kambal na anak na 4-taong-gulang.

Blangko pa ang pamilya kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

“Hindi siya ang maraming kaaway, pero sinasapo niya yung away ng iba. Tulad nun kilala mo siya, may kaaway ka, pagtatanggol ka niya. ‘Umalis ka na, ako na ang bahala,’ ganon,” sabi ni Domingo.

Patuloy ang follow-up operation ng Malabon police para mahuli ang mga suspek na mahaharap sa kasong murder.

IBA PANG BALITA: 

Leave a Reply