TV PATROL: 15 biktima umano ng illegal recruitment nailigtas ng awtoridad sa Maynila
15 babae na biktima umano ng illegal recruitment ang nailigtas sa ikinasang operasyon sa San Andres Bukid sa Maynila.
Doon umano pinoproseso ang mga dokumento ng mga aplikante para magtrabaho bilang domestic helper sa Kuwait.
Arestado ang lalaking inabutan ng awtoridad na caretaker umano sa apartment.
Ayon sa Department of Migrant Workers, lumalabas na hindi rehistrado sa kanila ang suspek at walang karapatan na mag-recruit o magproseso ng mga dokumento ng OFW applicants.
Aminado naman ang suspek na wala silang lisensya sa ngayon.
Nagpapatrol, Jeff Caparas. TV Patrol, Huwebes, 5 Nobyembre 2026.