Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: 5 patay sa sunog sa umano’y ilegal na pagawaan ng paputok sa Pangasinan

Lima ang patay sa pagsabog at sunog sa liblib na bahagi ng Malasiqui, Pangasinan. 

Sa lakas ng pagsabog, naramdaman ito sa bahagi ng bayan ng Mapandan na halos isang oras ang layo sa pinangyarihan ng pagsabog.

Lumabas sa imbestigasyon na ilegal na paputok ang dahilan ng pagsabog.

Samantala, nasunog din ang isang pabrika sa Subic Bay Freeport. 

Sa ulat ng Subic Bay Metropolitan Authority, mabilis kumalat ang apoy dahil sa mga tela at plastic materials sa loob ng pabrika.

Nagpapatrol, Terry Aquino. TV Patrol, Huwebes, 5 Nobyembre 2026.

Leave a Reply