TV PATROL: Weightlifter na si Prince Jhay Cuyson binasag ang stereotype sa sports
Agaw-pansin ang 13 anyos na weightlifter na si Prince Jhay Cuyson, hindi sa bigat ng barbell na kanyang binuhat, kundi sa matapang na pagbasag sa stereotype sa sports.
Hindi lang sa palakasan kayang lumaban ni Prince Jhay Cuyson, pati sa pag-rampa at confidence, todo-slay rin siya!
Nag-viral ang video ng 13 anyos noong lumaban siya sa Youth Men’s 55 kilogram division sa HD liftoff weightlifting competition sa Makati city noong Agosto.
Napabilib ang mga netizen kay Prince matapos mabuhat ang 51 kilos sa clean and jerk.
Nagtapos na panglima si Prince sa total na 86 kilos.
Magandang resulta ito para sa baguhang weightlifter na walong buwan pa lang sa sport.
Bagama’t hindi nanalo sa torneo, wagi naman si prince sa suporta at atensyon. TV Patrol, Huwebes, Nobyembre 5, 2026