TV PATROL: Bata sugatan matapos masalpok ng motorsiklo sa Isabela
Sugatan ang isang batang babae matapos masalpok ng motorsiklo habang tumatawid sa national highway sa Cauayan City, Isabela.
Base sa kuha ng CCTV, makikita ang dalawang bata na nakatayo sa gilid ng kalsada.
Ilang saglit pa, biglang tumakbo ang isa sa gitna ng highway.
Sa pagtawid ng bata ay siyang pagdating naman ng isang motorsiklo.
Nasalpok nito ang bata at tumilapon dahil sa lakas ng pagbangga.
May sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.
Natumba rin ang motorsiko at nasugatan ng lalaking rider nito.
Agad namang isinugod sa pagamutan ng mga rumespondeng rescuer ang dalawang sugatan.
Ayon sa pulis, nasa maayos nang kalagayan ang bata.
Nagkaroon na rin umano ng pag-uusap ang pamilya ng bata at ang rider kaugnay ng insidente.
TV Patrol, Huwebes, 5 Nobyembre 2026