TV PATROL: Pag-ulan inaasahan ngayong weekend
May aasahang ulan ngayong weekend dahil sa ilang weather systems.
Minomonitor din ang bagyong nabuo malapit sa Guam nitong Biyernes ng umaga.
Huling namataan ang tropical depression mahigit 2,800 kilometers silangan ng Central Luzon.
Lalakas pa ang Amihan at babalot sa malaking bahagi ng Luzon.
Posibleng tumagal hanggang sa kalagitnaan ng susunod na linggo ang Amihan surge.
Kasunod nito, mabubuo ang shear line sa pagbabanggaan ng amihan at easterlies, habang magdadala rin ng ulan ang easterlies sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Patuloy namang kikilos palapit ang bagyo at pwedeng pumasok sa Philippine area of responsibility kung hindi sa linggo ng gabi ay sa Lunes na nang madaling-araw.
Tatawagin ito sa local name na Samuel.
Saglit lang ito sa loob ng PAR dahil liliko rin ito palabasat walang magiging epekto sa panahon sa bansa. TV Patrol, Biyernes, 6 Nobyembre 2026