Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV Patrol: Impeachment court inilatag ang mga tinanggap na ebidensya mula sa prosekusyon

Inilatag ngayon ng impeachment court ang mga tinanggap na ebidensya, mula sa formal offer ng prosecution.

 Kasabay nito, sinabi rin ng korte na patuloy na iiral ang sub judice rule, sa articles of impeachment maging doon sa mga binawi na. 

 Sa kautusang may petsang November 5 at pirmado ni impeachment court presiding officer Francis Escudero, sinabing overruled o hindi tinanggap ng korte ang pagtutol ng defense team ni Vice President Sara Duterte, sa mga inilatag na exhibit o ebidensya ng prosekusyon sa formal offer nito. 

Ang mga ebidensiya ay kaugnay ng natitirang article of impeachment na article 2 o hindi maipaliwanag na yaman ng bise.  

Sabi ng impeachment court, ang mga dokumentong ipina-subpoena sa paglilitis ay maaaring magbigay ng detalye na magpapatunay sa mga alegasyon. TV Patrol, Biyernes, Nobyembre 6, 2026

Leave a Reply