Saturday, November 7, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Motorcycle racer-vlogger, pinagbabaril sa Antipolo City

Sugatan ang isang motorcycle racer-vlogger matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang motorcycle shop sa Antipolo City, Rizal nitong Huwebes.

Nakahandusay at duguan ang biktima nang abutan ng kanyang mga tauhan mag-a-alas dos ng hapon. 

Ayon sa isang testigo na nasa labas ng shop, apat na lalaki na sakay ng motorsiklo ang bumaba at pumasok sa gusali. 

Lahat ay nakaunipormeng pang-motorcycle taxi at naka-helmet. Isang concerned citizen ang nagsugod sa biktima sa ospital. 

Iniimbestigahan pa ng awtoridad ang motibo sa pamamaril. 

Nagkasa na ng drag net operations ang pulisya para matukoy at agad na mahuli ang mga suspek. Patuloy pang ginagamot sa ospital ang biktima. TV Patrol, Biyernes, 6 Nobyembre 2026

Leave a Reply