TV PATROL: Lalaking wanted sa mga kasong murder at frustrated murder patay sa engkwentro
Nauwi sa engkwentro ang pag-aresto sana ng pulisya sa dating sundalong halos dalawang dekada nang wanted sa mga kasong murder at frustrated murder sa Magallanes, Cavite.
Ihahain na sana ang warrant of arrest sa suspek nang magpumiglas ito at tumakas.
Pinaputukan pa niya ang mga pulis na napilitan ding makipagpalitan ng putok at nagresulta sa kanyang pagkamatay.
Wala namang natamaang pulis sa insidente.
Away-pulitika sa La Union noong taong 2008 hanggang 2009 ang krimeng kinasangkutan ng lalaki ayon sa PNP.
Nagpapatrol, Bea Cuadra. TV Patrol, Huwebes, 5 Nobyembre 2026.