Sunday, November 8, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Paglilinis sa oil spill sa Mariveles, Bataan natapos na ng PCG

Natapos na ng Philippine Coast Guard ang paglilinis sa oil spill sa Sitio Naswe sa Barangay Ipag, Mariveles, Bataan pero patuloy nitong binabantayan mga baybaying komunidad doon at sa mga kalapit na lugar. 

Ayon sa PCG, natapos na ang kanilang paglilinis sa lugar. 

Mahigit walumpung sako ng oil debris ang kanilang nakolekta. 

Pansamantalang nakaimbak ang mga ito sa local transfer station sa Mariveles, at hinihintay na lamang ang paglilipat nito sa isang accredited oil waste collector at treatment, storage, and disposal facility. 

Una nang sinabi ng Coast Guard na ‘used oil’ ang kumalat na langis, na nakaapekto sa humigit-kumulang 500 square meters ng coastal waters ng Sitio Naswe. 

Tinitingnan na ng PCG ang mga kalapit na coastal areas para malaman kung umabot doon ang oil spill. 

Patuloy ding iniimbestigahan ang pinagmulan nito. 

TV Patrol, Linggo, 8 Nobyembre 2026

Leave a Reply