TV PATROL: DOE nag-alerto sa posibleng kakapusan ng suplay ng kuryente dahil sa Super El Niño
Inalerto na ng Department of Energy ang publiko na posibleng magkaproblema sa suplay ng kuryente dahil sa pagtindi ng epekto ng Super El Niño sa mga power plant pagdating ng tag-init ng susunod na taon.
Nanawagan ang DOE sa mga konsyumer na magtipid ng kuryente. Samantala, nanindigan ang kagawarang tama ang kwenta nito sa big-time rollback sa gasolina, at dapat na isang bagsak itong ipatupad ng mga kumpanya ng langis bukas.
Pero nakukulangan pa rin sa bawas-presyo ilang PUV drivers.
Nagpapatrol, Alvin Elchico. TV Patrol, Lunes, 9 Nobyembre 2026