Monday, November 9, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV PATROL: Mga posibleng kasabwat ni Thomas Markle Sr. sa Pilipinas iniimbestigahan ng PNP

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police ang mga posibleng lokal na kasabwat ni Thomas Markle Sr. sa umano’y child exploitation activities ng Amerikano sa Pilipinas. 

Nag-iimbestiga ang PNP sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Estados Unidos, matapos maaresto si Markle sa Florida noong November 6. 

Naniniwala si PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., na hindi maisasagawa ni Markle ang krimen nang mag-isa lamang. 

Nilinaw naman ni Nartatez na wala pang ebidensyang nag-uugnay sa anak ni Markle na si Thomas Jr. 

TV Patrol, Lunes, 9 November 2026.

Leave a Reply