TV PATROL: ABS-CBN Foundation nagbigay ng mga bagong gamit sa Davao del Sur School of Fisheries
Matapos bisitahin ang Monkayo sa Davao del Norte para sa agro-robot project, sunod namang binisita ng ABS-CBN Foundation International ambassadors ang bayan ng Malalag sa Davao del Sur.
Sinurpresa nila ang mga estudyante ng Davao del Sur School of Fisheries ng mga bagong kagamitan para sa kanilang pag-aaral.
Kabilang sa mga dala nilang regalo ang fish processing equipment, boat engine, at computer monitors.
Kuwento ng isa sa mga ALS learner, malaking tulong ang mga kagamitang ito sa practical application ng mga natutunan.
Nagpapatrol, Bernadette Sembrano. TV Patrol, Martes, 10 Nobyembre 2026.