TV PATROL: Atty. Balucanag-Punay: Walang partisipasyon ang Bise sa kumpanya o mga transaksyon
Isinalang na ng depensa ang ika-apat nitong testigo, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte — siya ang abogado ng Gencorp Industries at Metro City Chow Foods Corporation, para ipaliwanag ang ugnayan ng mga kumpanya sa bise.
Sabi ni Atty. Suzette Balucanag-Punay, mula noong nag-umpisa siya sa GenCorp noong 2022, wala umanong partisipasyon ang bise sa kumpanya o mga transaksyon nito.
Nagpapatrol, RG Cruz. TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026.