Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

TV Patrol: Teknolohiyang air-to-water generator dinala sa isla ng Gilotongan, Masbate

Pahirapan ang pagkuha ng malinis na tubig sa isang isla sa Masbate. Pero nabuhayan ng pag-asa ang mga residente nang dalhin sa kanilang lugar ang teknolohiyang kukuha ng tubig mula sa hangin.

Pangingisda ang ikinabubuhay ng walumpung porsiyento ng halos 7,000 residente ng isla ng Gilotongan sa bayan ng Cawayan sa lalawigan ng Masbate sa Bicol region.

Bagamat napalilibutan ng dagat – isa sa malaking hamon sa mga tagarito ay ang mapagkukunan ng malinis na inuming tubig.

Kwento ng mga residente, wala silang konsepto noon ng malinis na inuming tubig bukod sa sinasalok nila sa balon.

Ang iba pumipila sa water refilling station na mas mura ang bentahan para makatipid.

Mahal kasi ang ginagastos dati kung sa delivery ng tubig mula sa mainland ang bibilhin niya.

Nag-iisa ang water refilling station na ito sa buong isla na magdadalawang buwan pa lang nag-o-operate. 

Kuwento ng alkalde ng bayan ng Cawayan, bukod sa mas magastos kung magbabangka pa ang mga residente papuntang bayan, delikado rin ito para sa kanilang kaligtasan. 

Pero ngayon may bago na silang pagkukunan ng inumin na mula sa hangin. 

Ang teknolohiyang ng atmospheric water generator, dinala sa bansa ng isang dayuhang kumpanya.

Akma ito para sa mga lugar na mahirap marating at madalas pahirapan ang mapagkukunan ng inuming tubig. 

Bahagi ito ng programa kalahi ng Department of Social Welfare and Development na pinondohan ng World Bank.

Sinimulan ang air to water generator project na ito noong Oktubre 2025, naging operational nitong Setyembre, at pinondohan ng P19 milyon.  

Nagpapatrol ni Johnson Manabat. TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026.

Leave a Reply