TV PATROL: Adjusted mall hours para sa kapaskuhan epektibo simula Nov. 15 – MMDA
Inanunsyo na ng Metropolitan Manila Development Authority ang ipatutupad nilang traffic management measures at ang adjusted mall operating guidelines sa Metro Manila ngayong kapaskuhan.
Ayon sa MMDA, sa ilalim ng mga bagong panuntunan, papayagan ang mga mall sa National Capital Region na magbukas mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi simula November 16 hanggang December 25.
Lilimitahan naman ang mga delivery operation sa pagitan ng alas-11 gabi hanggang alas-5 ng umaga, maliban sa mga perishable goods o mga produktong madaling masira.
Ipagbabawal din ang mga mall-wide sales sa weekdays pero papayagan naman kapag weekend.
TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026.