TV PATROL: Bata patay matapos masagasaan ng van sa Pasig
Hindi na umabot nang buhay sa ospital ng isang 5 taong gulang na bata matapos mabundol at masagasaan ng van sa Pasig City.
Pumailalim at nakaladkad pa ang bata ng ilang metro bago pumreno ang driver.
Hinarang ng ilang lalaki ang sasakyan kaya agad na naaresto ang driver.
Nagtamo ng matinding pinsala sa tiyan ang biktima.
Nahaharap na sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek.
‘Yan ang CCTV Patrol ni Christopher Sitson. TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026.