TV PATROL: Air-to-water generator ipinakilala ng DSWD sa tulong ng World Bank
Pahirapan ang pagkuha ng malinis na tubig sa isla ng Hilotongan sa Cawayan, Masbate.
Pero nabuhayan ng pag-asa ang mga residente nang dalhin sa kanilang lugar ang teknolohiyang kukuha ng tubig mula sa hangin.
Ang teknolohiyang ng atmospheric water generator, dinala sa bansa ng isang dayuhang kumpanya.
Akma ito para sa mga lugar na mahirap marating at madalas pahirapan ang mapagkukunan ng inuming tubig.
Bahagi ito ng programa kalahi ng Department of Social Welfare and Development na pinondohan ng World Bank.
Posible ring dalhin sa iba pang mga probinsiya ang kaparehong teknolohiya…
lalo na sa mga pinakamahihirap na lugar sa bansa.
Nagpapatrol Johnson Manabat.
TV Patrol, Miyerkules, 11 Nobyembre 2026